HomePortalCalendarFAQSearchRegisterLog in

Share | 
 

 Do's and Dont's

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Piratus
Admin


Posts : 94
Points : 242
Reputation : 11
Join date : 23/04/2011
Age : 86
Location : In your Heart

PostSubject: Do's and Dont's   Sun Apr 24, 2011 5:53 am

Kung maaari lamang po ay sundin natin ang mga paalala na ito upang maiwasan ang anumang kaguluhan o hindi pagkakaintindihan at magkaroon tayo ng masayang pagsasama at maayos na Forum.


MGA DAPAT GAWIN (DO's)

1. English at tagalog lamang ang pwedeng gamitin sa pag-post ng messages sa forums at shoutbox. Maliban na lang sa mga threads na para talaga sa ibang dialects. Iwasan din nating gumamit ng mga sms-type words o phrases tulad ng "d2 n me, wer n b u?".

2. Kung gagawa ng bagong thread, lalu na yung mga bagong members, siguraduhin na nasa tamang forum o category. At i-double check din ang forum o thread title bago mag-post ng messages.

3. Bago magtanong o mag-request, gamitin muna ang Pirate's search engine.

4. Maging friendly at irespeto ang lahat ng users ng Pirate's

5. Gumamit lamang ng mga family-friendly o wholesome na salita sa shoutbox at forums.

6. Sundin ang standards na ginawa ng Pirate's Staff (standard settings para sa avatar, signature, profile picture, specific forum rules, reminder, etc.).


MGA HINDI DAPAT GAWIN (DONT's)

1. Ang pag-insulto, o anumang matinding pananakit ng damdamin ng ibang tao, kabilang na ang paghamak, pag-harass, pananakot, paninirang-puri, o pag-abuso sa ibang tao o institusyon.

2. Pag-hack, pag-iba o pag-alis ng copyright notices at attributes (maliban na lang kung may permiso ng author o may-ari), pornographic or anumang may kinalaman sa pag-exploit ng mga batang under 18 years old, bestiality, extreme violence, at sinasadyang pag-post ng phishing sites, viruses at malicious softwares.

3. Spamming o pag-post o pag-send ng PM/email ng walang saysay o hindi kinakailangang messages , o pag-post ng dalawa o higit pang messages na may parehong nilalaman.

4. Flooding o pagpost ng mga messages sa magkasunod na pagkakataon sa loob lamang ng maikling oras (gamitin ang edit button kung may nais idagdag o baguhin sa post, at multi-quote button naman kung may gustong i-quote na higit sa isang post).

5. Malaswa, immoral, o hindi wastong images o salita sa signature, avatar, at profile.

6. Pag-advertise, pag-promote, o pag-post sa forums, shoutbox, signature, profile at PM ng download-related site na nangangailangan pa ng registration.
Back to top Go down
View user profile http://pirates.realmsn.com
 
Do's and Dont's
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: Pirate's Management :: News & Announcement :: Forum Rule's-
Jump to: